Educationalguide’s Weblog

Batayan ng Kasaysayan

Posted on: July 1, 2012

1. Antropolohiyo – ito ay ang pag-aaral ng pinagmulan at kaasalan ng tao at ang pag-unlad at pagkakaiba iba ng mga lipunan at kultura.  Ang mga datos na nakukuha mula sa pag-aaral ay ginagamit sa pagbuo ng salaysay tungkol sa kasaysayan ng pinagmulan ng tao.

 

2. Sikolohiya – Ito ay pag-aaral ng pag-iisip ng tao.  Ito ang nagbibigay kahulugan sa pagbubuo sa personalidad tulag ng ugali at mga gawi ng tao.  Sinusuri din nito ang disiplinang pagbabago o pag-iiba ng kilos ng tao batay sa mga pangyayari sa kanyang paligid.

 

3. Sosyolohiya – Ito ang nagbibigay explanasyon o paliwanag ng relasyon ng tao sa kanyang pamilya, kanyang lipunan, at sa nstitusyon at samahang kanyang kinabibilangan.  Dito nababatid kung paano umaangkop o umaayon ang tao sa kanyang paligid particular sa ginagalawan niyang lipunan.

 

4. Heograpiya – Ito ang pag-aaral ng pisikal na katangian n mundo.  Nakabahagi dito ang pag-aaral ng anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang tiyak ng lokasyon.

 

5. Teolohiya – Ito ay ang makatuwirang pag-aaral tungkol sa Diyos o mga diyos, o sa mas pangkalahatang bagay tungkol sa relihiyon o esprituwalidad.

 

6. Pilosopiya – Ito ang pag-aaral ng displinang kinapapalooban ng lohika, etika, estetika, metapisika, at epistemolohiya.  Ito ay pagsusuri sa mga paniniwala ng tao patungkol sa katotohanan, katarungan, hustisya at iba pang may kaugnayan sa pagkamit ng katarungan.

 

7. Ekonomiks – Ito ay ang pagsusuri kung paano ginagamit ng lipunan ang taglay nitong limitadong yaman upang matustusan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mamamayan.

 

8. Agham -pulitikal – Ito ang pag-aaral ng mga teorya, paraan, at sistema ng pamamalakad ng mga pamahalaan.  Dito sinusuri ang disiplinang pagpapatakbo ng isang burukrasya at ang pagkilos at pagpapatakbo ng isang pamahalaan

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: